Presyo ng kape sisirit

MALIBAN sa presyo ng mga pangunahing bilihin, produktong petrolyo at pamasahe ay nakaamba ring tumaas ang presyo ng kape sa pagpasok ng Marso.

Kinumpirma ni Trade Undersecretary Zenaida Maglaya na may isang kumpanya ng kape ang nag-abiso sa kagawaran na magpapatupad ng price hike sa kanilang produkto.

Gayunman aniya, nasa 4 hanggang 5 porsiyento lamang ang itataas sa halaga ng kape kaya ang 20 grams ay wala pang piso ang madaragdag sa presyo.

Ayon kay Maglaya, magtataas ng presyo ang kape dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.

Samantala, ayon sa report, tumaas naman ang consumption ng kape partikular sa mga kabataan bunga ng nagsulputang mga coffee shop. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply