Presyo ng langis sa world market sumirit sa $100/bariles

UMABOT na sa $100 kada bariles ang presyo ng crude oil sa world market bunsod na rin umano sa nangyayaring kaguluhan sa Egypt at ang inaasahang pagtaas ng demand nito.

Ang Brent crude sa New York,Estados Unidos ay mahigit $100 kada bariles na, unang nangyari noong 2008, ayon sa mga report.

Samantala, sa London ay umabot na ang presyo ng langis sa $101 per barrel.

Nabatid na nangangamba umano ang traders sa kalagayan ngayon sa Middle East kung kaya patuloy na tumataas ang presyo ng langis kahit na walang pagkukulang sa suplay.

Isa pang pinangangambahan ay ang pagtaas pa sa presyo ng langis kapag kumalat na ang kaguluhan sa iba pang bansa na nagsusuplay nito. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply