Presyo ng LPG bumaba, asukal tumaas

KASABAY ng pagbaba ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong araw, Pebrero 18, pumalo naman sa P72 ang presyo ng asukal.

Ayon sa report, ibinaba ang presyo ng LPG ng 50 sentimos per kilo na ngayon ay nagkakahalaga na ng P5.50 per 11-kg tank, simula 12:01 a.m. ng Biyernes.

Ayon sa LPG Marketers’ Association (LPGMA), bumaba ang presyo ng LPG mula sa P667 sa P660.

Samantala,  tumaas naman ang presyo ng asukal sa merkado  na pumalo sa P72 per kilo ngayong Biyernes.

Batay sa report,  mabibili ngayon ang brown sugar sa P70/kilo habang ang refined sugar naman ay  P72/kilo.

Matatandaang sinabi ng Sugar Regulatory Administration (SRA) noong nakaraang linggo na  hindi makokontrol ang pagtaas ng presyo ng asukal sa ibang retail. Marjorie Dacoro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply