Presyo ng LPG bumaba, asukal tumaas

KASABAY ng pagbaba ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Pebrero18, pumalo naman sa P72.00 ang presyo ng asukal.

Ayon sa report ng dzBB, ibinaba ang presyo ng LPG ng 50centavos per kilo o nagkakahalaga ng P5.50 per 11-kg tank, simula 12:01 a.m. ng Biyernes.

Ayon sa LPG Marketers’ Association (LPGMA), bumaba ang presyo ng LPG mula sa P667 sa P660.

Samantala, tumaas naman ang presyo ng asukal sa merkado na pumalo sa P72 per kilo ngayong Biyernes, ayon sa dzBB news report.

Batay sa report, mabibili ngayon ang brown sugar sa P70/kilo habang ang refined sugar naman ay P72/kilo.

Matatandaang sinabi ng Sugar Regulatory Administration (SRA) noong nakaraang linggo na hindi makokontrol ang pagtaas ng presyo ng asukal sa ibang retail.

“Price control is counterproductive… It should be imposed only during times of calamities, emergency situations, or if there is price or supply manipulation,” ayon pa kay SRA administrator Ma. Regina Martin noong Huwebes. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply