Price control sa asukal tinutulan

TINUTULAN ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang paglalagay ng price control sa asukal.

Iginiit ni SRA Administrator Ma. Regina Bautista Martin na counter- productive ang price control sa asukal na dapat ay gawin lamang sa panahon ng kalamidad at kung mapatutunayan na may nangyayaring price manipulation.

Para kay Martin, mas mabuti pa ring hayaan ang market forces na magdikta ng presyuhan sa asukal.

Sa ngayon, naglalaro sa P72 kada kilo ang white sugar, habang ang brown sugar ay mabibili sa P70 sa merkado.

Matatandaang sinabi ng SRA noong nakaraang linggo na  hindi makokontrol ang pagtaas sa presyo ng asukal. Johnny F. Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply