Price hike ng construction materials pag-uusapan

PUPULUNGIN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga kinatawan ng iba’t ibang construction industry sa bansa dahil sa pagtaas sa presyo ng ilang construction materials.

Ayon kay Trade Undersecretary for Consumer Welfare Zenaida Maglaya, layunin nilang pag-usapan ang kasalukuyang situwasyon ng supply at demand ng materyales.

Batay sa ulat, tumaas na ang bentahan ng steelbars at semento, habang nagbabadya namang tumaas ang presyo ng pintura.

Bagama’t nagkakaroon ng price hike tuwing summer season, hindi aniya dahilan ang mataas na demand para agarang magtaas na lamang ang suppliers.

Nagpaalala ang DTI na sa mga pagkakataon ng pagtaas ng raw materials ay saka lamang dapat magpatupad ng dagdag singil ang construction industry.

Samantala, naaapektuhan na rin ang presyo ng plywood at ilang lumber materials nang hanggang 30 porsiyento.

Ito ay kasunod ng imposisyon ng total log ban kung saan saklaw na maging ang primary forests na kabilang sa Industrial Forest Management Agreements (IFMAS).

Ayon kay Alfonso C. Keh Jr., ang Executive Vice President ng Philippine Wood Producers Association (PWPA) mabibili na ngayon ang ¼ inch na plywood sa halagang P334 mula sa dating P280.

Una rito, kinontra ng PWPA ang implementasyon ng naturang direktiba kasabay ng babala sa negatibong epekto nito sa wood construction materials.

Samantala, umaasa ang naturang samahan na hindi isasama ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ilang IFMA holders sa muling ebalwasyon nito. Johnny F. Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply