Price hike sa tinapay ipatutupad sa Marso

MULING nag-abiso ngayon (Lunes, Pebrero 7) ng pagtaas ng presyo ng tinapay ang Filipino-Chinese Bakery Association Inc.(FCBAI) sa  buwan ng Marso.

Ayon kay Antonio Lim-Kit, presidente ng FCBAI, mahirap din para sa kanila ang ipinapatupad na price increase dahil sila mismo ay bumibili rin naman ng tinapay.

Aniya, mapipilitan silang magtaas ng presyo ng tinapay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng harina, asukal at mantika na siyang pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.

Sa ngayon ay nasa P820 na ang isang bag ng harina mula sa dating P740.

Sa katunayan aniya, mas makakamura pa ang panadero kapag kamote at mais ang kanilang ginamit sa paggawa ng tinapay.

“Malaking tulong ang mga ito lalo na ngayong hindi na rin mapigilan ang pagtaas ng presyo ng raw materials sa paggawa nito,” ani Lim-Kit

Paliwanag naman ni Ric Pinca, executive director ng Philippine Association of Flour Millers, isa rin sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ay ang sunud-sunod na kalamidad sa mga bansang pinagkukunan ng raw materials sa paggawa ng tinapay. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply