Princess ipinakilala ni Willie kay Shalani bilang ex-GF lang

NAGING masaya ang pagkakilala nina Shalani Soledad, humored girlfriend ni Willie Revillame nang dumating sa ika-50 kaarawan ang kanyang ex-wife na si Princess Punzalan at ipinakilala si Princess bilang ex-girlfriend lang kay Shalani.

May nag-imbita umano kay Princess kaya siya nagpunta sa okasyon na ginanap sa Shangrila hotel.

Samantala, naging pilya naman si Lolit Solis nang pagdating sa venue ay naabutan ang kontrobersiyal na TV host na nagpa-practice ng kanta, nang sabihing akala niya ay surprise ang nasabing event.

Pero the Willing Willie host just smiled and quipped, ” Oo, surprise naman talaga.”

Ang inaasahan ng lahat na simpleng selebasryon ay nagmukhang concert nang mismong sa gitna ng Rizal Ballroom inilagay ang stage para sa mga magpe-perform.

Sa lobby naman nakapwesto ang buffet tables and ice carving na may letter “W” na nakalagay sa prominent position.

Isang staff ng hotel ang nagbuking sa TV host na mismong si Willie ang nagpalipat sa stage sa gitna ng ballroom nang dumating ito ng 5:50 p.m. sa lugar at hindi nagustuhan ang setup.

Kaya naman daw sa halip na buksan ang ballroom ng 7:00 p.m. ay tumagal ito ng hanggang 8:30 p.m.

Hindi naman nasayang ang effort ng celebrator dahil nagmukhang concert ang event with Nico Maca + Playground serving as front act.

Past 10:00 p.m., while people chatted over drinks, nang umakyat sa stage si Willie.

Nagbiro pa ang celebrator sa mga reporter na huwag munang magkagulo at siya muna ang bigyan ng pansin dahil sa siya naman ang importanteng tao sa gabing iyon. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply