Produktong petrolyo nagtaas ng presyo, LPG nag-rollback

MAKARAANG ipatupad ng ilang oil company ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, nagtapyas naman sa liquefied petroleum gas (LPG) ang LPG Marketing Association, Martes ng madaling-araw, Pebrero 8.

Nagtaas ng 75 sentimos ang Pilipinas Shell sa kada litro ng kanilang diesel at gasolina habang piso naman sa kada litro ng kerosene.

Samantala, ang Phoenix Petroleum ay nag-adjust ng 50 sentimos sa kada litro ng kanilang gasolina at diesel kaninang alas-sais ng umaga.

Ang oil adjustment ng petrolyo ay base sa  paggalaw ng presyo ng langis sa world market at patuloy na kaguluhan sa Egypt.

Samantala, epektibo naman 12:01 kaninang madaling-araw ay nagbawas ng presyo ang LPGMA sa bawat tangke ng LPG.

Ayon kay LPGMA party-list Rep. Arnel Ty, nagtapyas sila ng P11 sa presyo ng LPG bawat tangke, na ngayon ay mabibili na sa halagang P679 mula sa P690.

Ito na ang ikalawang beses buhat noong ika-1 ng Pebrero na nagpatupad ng P1 rollback ang LPGMA sa cooking gas.

Kasabay nito ang pagtitiyak ng LPG retailers na magtutuluy-tuloy ang pagbaba sa presyo ng LPG ngayong buwan ng panibagong P3 kung patuloy na babagsak ang contract price nito sa merkado. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply