Promodizer pisak sa trak

UTAS ang 19-anyos na promodizer matapos sumabit ang sinasakyang motorsiklo sa isang trailer truck nang mag-over take sa una, Martes ng hapon, Pebrero 23 sa Marikina City.

Kinilala ang biktima na si Beverly Roque, 19,  ng 151 Phase I, Sitio Buntong Palat, Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal habang malubha namang ginagamot si Cristian Temblor, 22, sa Amang Rodriguez Memorial Hospital.

Himas-rehas naman ang driver ng trailer truck na si Julio Umandap Sr., ng Blk 1 Lot 45 San Isidro Cabuyao Laguna, nakatakdang sampahan ng kaso sa piskalya.

Sa imbestigasyon, 2:30 ng hapon habang angkas sa motorsiklo ang biktima at binabaybay ang kahabaan ng Fortune Avenue nang tangkaing mag-over take sa trailer truck (DZA 788) na minamaneho ni Umandap subalit may nakasalubong na sasakyan kaya sa likuran ng sinusundang higanteng sasakyan sila pumailalim.

Nang hindi kaagad makapagpreno si Umandap ay nadaanan nito ang biktima na si Roques, agad nitong ikinamatay. Cesar Barquilla

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply