Protesta salubong sa LRT, MRT fare hike public consultation

NAGSAGAWA ng isang kilos protesta ang mga estudyante at militanteng grupo sa unang araw ng “public consultation” ng Department of Transportation and Communication para sa napipintong taas-pasahe sa Light Rail Transit at Metro Rail Transit.

Pinangunahan ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan na pawang nakasuot ng t-shirt ng puti na may nakasulat na “No to LRT and MRT fare hike” at League of the Filipino Student na nagsagawa ng programa sa MRT Santolan Station, Pasig City.

Nabatid kay Renato Reyes, secretary general ng BAYAN, may impormasyon silang natanggap na “moro-moro” na lang ang isinasagawang public consultation dahil “done deal” na umano ang taas-pasahe sa LRT at MRT.

Tiniyak nito na mas malalaking kilos protesta ang kanilang gagawin sa susunod na mga araw para pigilan ang planong fare hike sa LRT at MRT ng gobyerno.

Ayon naman kay DOTC Undersecretary Dante Velasco, bibigyan nila ng importansiya at pakikinggan ang lahat ng tutol sa taas-pasahe at masusing pag-aaralan kung itutuloy o hindi ang nasabing planong fare hike.

Ang public consultation ay inilaan para sa mga sektor ng estudyante at manggagawa. Rene Crisostomo/Jhie convocar

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply