PSC, POC manikluhod sa Indonesia

PUPUNTA ng Indonesia ang mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympics Committee (POC) upang himukin  na ibalik ang bilyar at ibang sporting events sa Southeast Asian Games na tinanggal ngayong taon.

Nakatakdang tumulak ang mga opisyal papuntang Bali, Indonesia ngayon upang hilingin sa organizers na ibalik ang billiards, snooker, arnis at rugby sa SEA Games na gaganapin ngayong Nobyembre 11-25 sa Jakarta, Indonesia.

Marami umanong gold medals ang mawawala sa Pilipinas kung mawawala ang bilyar, snookers at arnis sa SEA Games, ayon sa mga opisyal ng POC at PSC.

Bukod sa bilyar, sinabi ng SEA Games Task Force na kasamang tinanggal ang ilang events sa shooting, cycling, at sailing at pinalitan umano ito ng hindi kilalang laro na vovinam, roller-skating, wall climbing, para-gliding, kenpo, BMX at bridge.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply