Konsultasyon sa publiko ng DOTC peke – Kabataan Party List

“Fake public consultation.”

Ganito inilarawan ng Kabataan Party List ang kauna-unahang pagdinig sa Department of Transportation and Communications (DOTC) ukol sa napipintong pagtataas ng pasahe sa LRT at MRT.

Dahil dito ay nag-walk out ang mga miyembro ng partido at ilan pang kinatawan mula sa ibang youth organizations at sa halip ay nagdaos ang mga ito ng protesta sa labas ng DOTC.

INihayag ni Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino na hindi konsultasyon ang ginawa ng DOTC kungdi ipinaalam lamang sa iba’t ibang sector na meron na silang nabuong desisyon ukol sa pagtataas ng pamasahe sa LRT at MRT.

“It was a fake public consultation through and through. As such, the DOTC and the Aquino administration should expect the youth to strengthen its unity with the people to derail the hikes,” ayon pa kay Palatino.

Batay sa kalkulasyon ng kampo ni Palatino, aabot ng P1,800 ang dagdag na gugulin ng isang LRT at MRT commuter sa sandaling itaas ang pamasahe.

Naunang inihayag ng DOTC na tuloy na ang pagtaas ng pasahe sa LRT at MRT. Sa new fare matrix, ang LRT1 ay maniningil na ng P15, P20 at P30 depende sa distansya; P15, P20 at P25 naman sa LRT2; at nasa pagitan naman ng P15-P30 ang sa MRT.

Tiniyak naman ng DOTC na aaksyunan ang kahilingan ng mga kabataan ukol sa discount sa mga mag-aaral.

Inihayag naman ni Vencer Crisostomo ng Strike the Hike Movement, isang malawakang samahan na tutol sa dagdag pasahe sa LRT at MRT na “the DOTC makes use of student discount strategy to mask the overall stink of the fare hikes. Ang fare hike ay ‘di lamang isyu ng kabataan, ito ay isyu ng mamamayan. Ang nararapat lamang na panawagan ay ihinto ang pagtaas. Hindi dapat tayo mahulog sa usapin ng discount.” Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply