PUVs na walang plaka, nagkalat sa Edsa

SA KABILA ng mahigpit na pagbabawal sa pampasaherong sasakyan na bumiyahe nang walang plaka o iisa lang ang plaka, patuloy namang lumalabag ang operators at drivers nang maaktuhan ng ilang miyembro ng commuter group ang patuloy na operasyon ng mga pampasaherong bus sa Edsa, Quezon City.

Dahil dito, hiniling ng commuter group sa Land Transportation Office-Land Transportation Franchising and Regulatory Board-Highway Patrol Group (LTO-LTFRB-HPG) na paigtingin pa ang kanilang  kampanya laban sa  mga abusadong bus operators at drivers.

Naunang nang nakatanggap ng tambak na reklamo ang grupong  Public Commuter and Private Motorists Alliance (PCPMA) hinggil sa mga bus operator na nagpapabiyahe ng kanilang mga sasakyan kahit walang plaka,  o isa lang ang plakang nakakabit.

Ayon sa grupo, nakunan nila sa pamamagitan ng kanilang cell phones ang ilang passenger bus na bumibiyahe sa kahabaan ng  EDSA at East Avenue na walang plaka, bukod sa masyadong mausok ang mga sasakyan.

Ayon sa batas, ang lahat ng public utility vehicle na bumibiyahe nang walang plaka ay ikinukunsiderang  kolorum at may multang P6,000 kapag nahuli, bukod pa sa suspension ng driver at operator. Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply