Pulis binaril ng kilabot na riding in tandem

KRITIKAL ang isang  kagawad ng pulisya sa ospital ng Quezon City matapos itong malubhang masugatan makaraang barilin ng isa sa riding in tandem suspects sa lungsod Quezon Linggo, Pebrero 20.

Kinilala ni Ramon Mauleon Perez hepe ng Quezon City Police station 4 ang  biktima na si  Police Officer 2 Roderick Yasay, 30, may-asawa, nakatalaga sa District Anti-Carnapping Unit (DACU) ng Quezon City Police at nakaratay ngayon sa Quezon City General Hospital bunga ng tama ng bala sa kaliwang tagiliran.

Sa inisyal na ulat ni  PO3 Darwin Salvador ng Police Station 4, nangyari ang insidente sa may harap ng Novaliches mall sa Brgy. Nova proper ganap na alas 9:30 ng gabi.

Nabatid na  sakay ng motorsiklo ang biktima ng lapitan ng riding in tandem suspect saka pinaputukan ng isa sa mga huli saka tumakas. Kahit sugatan ay nagawa pang paputukan ng biktima ang mga suspect pero nakalayo na ang mga ito.

Tinangka umano na agawin ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima kaya napilitan itong lumaban .

Dahil sa kaganapan mabilis na  sinaklolohan ang biktima ng mga nagmalasakit na taumbayan at isinugod ito sa naturang hospital kung saan siya ngayon ginagamot.

Sa kasalukuyan, ang kaso ay hawak na ng Criminal Investigation and Detection unit (CIDU) na nagsasagawa na ng pagsisiyasat upang matukoy ang mga suspek. James de Jesus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply