Pulis itinuro ng biktima sa panghoholdap, pang-iisnatch

DAHIL sa follow-up operation na isinagawa ng mga tauhan ng Manila Police District sa pakikipagtulungan ng  Southern Police District, nadakip ang isang miyembro ng Philippine National Police matapos ituro sa isang photo gallery ng dalawang nabiktima nito sa magkahiwalay na lugar sa Manila.

Nagtungo sa Southdern Police District-Headquarters Biyernes, Pebrero 25, ang mga tauhan ni P/Supt. Felipe  Cason kasama ang dalawang complainants na mariing itinuro ang suspek na nakilalang si PO3 Abraham Mamicao, miyembro ng Southern Police District at residente ng 1245 Ladirzabal St., Sampaloc,Manila.

Batay sa ulat ni PO3 Abelaado Aguilar  ng Manila Police District-General Assignment Section, at siyang may hawak ng kaso, inireport ng biktimang si “Sunshine” na gabi ng Pebrero 21 naganap ang panghahablot ng kanyang bag sa panulukan ng J.Nakpil at P.H. Lim sa Malate ng, habang mag-isa siyang naglalakad.

Lulan umano ng motorsiklo na kulay asul si Mamicao na siyang nagmamaneho habang ang kasama nito na naka-helmet ay hinablot ang kanyang bag na naglalaman ng mahahalagang gamit.

Nito namang bandang 10:00 ng umaga ng Pebrero 23, nakasakay naman ng pampsaherong jeep ang biktimang si Argie Rivera nang nag-deklara ng holdap si Mamicao at ang ‘di pa nakikilalang kasama nito pagsapit sa Taft Avenue sa Lagusnilad. Nakulimbat sa biktima ang mga alahas na suot at cellular phone na umaabot sa halagang P64,000.

Kapwa nagreport sa MPD-Ermita Police Station 5 ang dalawa at sinamahan sila sa Southern Police District. Dinala na sa MPD-GAS si PO3 Mamicao para sampahan ng kaso. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply