Pulis na nanabla ng drayber kulong

PINATAWAN ng walong-taong pagkakakulong ng Pasig Regional Trial Court  ang isang pulis na nanggulpi at tumangay ng kinita ng isang taxi driver sa Lungsod ng Pasig 11 taon na ang nakakalipas. Nahatulan si PO2 Jose Floralde Bacurin Jr., nakatalaga sa Pasig police station, ni Pasig Regional Trial Court 161 Judge Nicanor Manalo na nambiktima kay Edgardo Malijan.

Sa anim-na-pahinang desisyon, inihayag na naganap ang insidente noong Enero,22,1999, sa Rodriguez ave., Barangay Manggahan  habang ang biktima ay nag-aabang ng masasakyang bangka papatawid sa Pasig River matapos ang pamamasada ng taxi.

Sa pagkakataong ito ay bigla na lamang siyang nilapitan ng pulis, na may kasamang pinangalanang si Castrense, at hinataw siya ng baril.

Matapos nito ay kinuha ng pulis ang kanyang pitaka na naglalaman ng kaniyang mga ID at ang perang nagkakahalaga na P1,190 na kinita nito sa pamamasada ng taxi.

Dinala pa umano ang biktima ng pulis sa himpilan ng pulisya subalit makaraan ang ilang oras ay pinalaya din ito, subalit tumanggi si Bacurin na ibalik ang kanyang pitaka at iba pang gamit na kinuha mula sa kanya. Jun Ferrer

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply