Pulis na sabit sa ‘hot bikes’ iniimbestigahan

NAGSASAGAWA na ng malalimang imbestigasyon ang kapulisan sa Bulacan sa paglaganap ng mga walang dokumentong motorsiklo sa lalawigan at buong Gitnang Luzon matapos maaresto ang isang pulis na umano’y supplier ng mga “hot motorcycles.”

Napag-alamang hindi bababa sa 11 unit ng nakaw na motorsiklo na iba’t iba ang modelo ay pag-aari ng mga pulis na nakatalaga sa Nueva Ecija Provincial Public Safety Company (PPSC).

Ito ay nabunyag nang maaresto noong nakaraang Pebrero 18 si PO2 McFord Restor Hugo, 30, na kasalukuyang nakatalaga sa Sta. Maria Police Station sa Bulacan.

Nakumpiska kay Hugo ang isang Blu Sniper motorcycle na walang plate number at may engine No. 5D2-012465 at chassis number MH35D2002AK012477.

Ipinasa si Hugo sa kanyang home unit para sa imbestigasyon at pagsasampa ng kasong carnapping.

Naaresto ang suspek sa isang entrapment operation na isinagawa ng mga operatiba ng pulis malapit sa isang station sa Baliuag, Bulacan.

Nakatakas ang kasama ni Hugo, na kinilalang si PO1 Noel Santiago Barrientos ng Bulacan provincial police office.

Natuklasan ng mga awtoridad na sangkot ang dalawang pulis-Bulacan sa pagbebenta ng nabanggit na “hot motorcycles.”

Napag-alaman ni Supt. Edgar Alan O. Okubo, hepe ng PPSC, ang anomalya nang kanyang sinusuri ang pagkakaroon ng ilang mga motorsiklo sa lungsod, lalo na sa PPSC headquarters.

Hindi makapagpakita ng kaukulang dokumento o katibayan ng pagmamay-ari ang mga operatiba ng PPSC na kasalukuyang iniimbestigahan.

Ang 11 undocumented motorcycles ay ipinasa sa Nueva Ecija Highway Patrol para sa verification at documentation. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply