Pulitiko ibabawal na sa RP sports

NAGBABALAK umano ang Philippine Olympic Committee (POC) na itulak ang suhestiyon na bawalan ang mga pulitiko na humawak ng posisyon sa mga sports governing bodies sa bansa.

Ayon sa mga sources, ayaw ni POC head Jose Cojuangco, Jr. na makaupo ang isang tulad ni dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping na umano’y sumira sa pundasyon ng industriya.

Tila namumuhi umano si Cojuangco sa mga kagaya ni Angping na nagpapatupad noon ng polisiyang kontra sa Filipino-foreign athletes.

Ito umano ang dahilan kaya nagkabangayan ang dalawa noong si Angping pa ang namumuno sa PSC.

“Ayaw ni Cojuangco ang mga policies at pronouncements ni Angping noon. Paniwala kasi niya ay nademoralisa ang mga atleta at tinataboy palayo ang mga batang atleta na lumaki sa ibang bansa,” pagsisiwalat ng isang source sa Remate Sports.

“Alam naman natin na si Peping ang tila hari ngayon sa RP sports kaya walang magagawa ang iba pang opisyal kundi sundin siya.”

Subalit ibinunyag ng isang source na hindi ang pagiging pulitiko ni Angping ang ayaw ni Peping kundi ang pagiging pakialamero umano nito sa mga hakbang ng POC.

Hindi umano nagustuhan ni Peping ang mga hakbang ni Angping na tila sumasakal sa mga national sports associations (NSAs) kung saan inobliga nito noon ang mga asosasyon na buksan ang kanilang rekord upang mabatid kung napupunta sa dapat puntahan ang kanilang pondo.

Samantala, naniniwala ang mga kritiko na ilan sa mga tumulong upang masira umano si Angping sa PSC ay sina Olympic Chief of Mission Monico Puentevella, Philippine Amateur Sports Association (PASA) chief Mark Joseph, Wushu Federation of the Philippines chief Julian Camacho at International Olympic Committee (IOC) country representative Francisco Elizalde na pawang mga kaalyado ni Cojuangco. Gilbert Perdez

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply