Pumalag sa karnaper binaunan ng bala sa mukha

BINUTAS ng bala ang mukha ng isang sapatero matapos manlaban sa dalawang carnapper na nagtangkang tumangay sa kanyang motorsiklo sa Navotas City kahapon.

Huling iniulat na kritikal sa Jose Rodriguez Memorial Medical Center ang biktimang si Richard Morate, “alyas Dodong,” 31, shoemaker sa Agora Market at residente ng Champaca St., sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, alas-2:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Malara Bridge sa Honorio Lopez, Brgy. NBBS Navotas City.

Sakay ng kanyang Suzuki (TN-8448) motorcycle ang biktima at habang binabagtas ang nasabing lugar ay bigla na lamang siyang hinarang ng mga suspek na lulan din ng motorsiklo. Isa sa mga suspek ang bumaba at tinutukan ng baril ang biktima at tinangkang agawin ang motorsiklo.

Subalit hindi nasiraan ng loob ang biktima at tinangkang lumaban ngunit bigla siyang binaril sa mukha ng suspek. Dahil sa komosyon ay agad tumalilis ang mga suspek at hindi na tinangay ang motor ng biktima. Merly Iral at Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply