Pumatay ng Chinese national, napatay

NAPATAY ng isang security guard ang suspek na bumaril at nakapatay sa isang Chinese interpreter Huwebes ng gabi sa Pasay City.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital bunga ng tama ng bala ng baril sa kanang pisngi ang suspek na kinilalang si Conrado Valenzuela, 32, driver, ng 084 P08 Tramo, Sucat, Parañaque City.

Kinilala naman ang security guard na si Ian Colite, 27, ng Eagle security agency, residente ng 11 Lourdes st., Pasay City agad sumuko sa awtoridad.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabitin, bago naganap ang insidente, 10:45 ng gabi, nilapitan ng suspek ang isang Chinese-English interpreter na si Pao Chen Chiang, 54, naninirahan sa San Rafael, San Marcelino, Zambales.

Habang nakaupo at kausap ni Chiang ang limang kaibigang Tsino sa isang coffee shop, nang paputukan ng dalawang sunod sa ulo ng suspek agad niyang ikinamatay.

Makaraan ang pamamaril, kinomander ng suspek ang isang taxi (TXZ 561) na minamaneho ni Jonathan Hemor, 30 dahilan kaya makuha ang atensyon ng security guard na nagbabantay sa naturang establisimiyento.

Nang mag-warning shot ang sekyu ay nanlaban ang suspek dahilan kaya binaril na ni Colite si Valenzuela.

Inaalam pa ng awtoridad ngayon ano ang motibo ng suspek para
patayin ang Chinese-English interpreter na si Chiang. Johnny F. Arasga/Amor Virata

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply