Pumatay ng GF tinutugis na ng pulisya

TINUTUGIS na ng Pasay city police ang lalaking pumaslang sa kanyang kasintahan matapos magtalo dahil sa selos nitong Martes ng gabi, matapos mapaso ang itinakdang palugit ng pulisya para siya ay sumuko ng
mapayapa.

Tuluyan namang inabandona ng buong pamilya ng suspek na si Kristoffer Von Moraleja, 19, ang kanilang tinutuluyang bahay sa 234 Sarrial st., Decena, Pasay matapos paslangin ng suspek si Mizziele Jamyka Gutierrez, 21.

Maging ang ama ng suspek na si Von Moraleja ay hinahanap na rin ng pulisya matapos matuklasan na mayroon ding nakabimbing kaso noong aktibo pang miyembro ng Pasay police at hinihinala rin na nagpatakas at nagkakanlong ngayon sa kanyang anak.

Hinimok naman ni Pasay city police chief Sr. Supt. Napoleon Cuaton ang pamilya ng namatay na maghain ng hiwalay na reklamong administratibo sa Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa ama ng suspek na Executive Officer (Ex-O) ng kanilang barangay, ang mga tanod na sina Apolinario La Torre at Fred Mari dahil hinayaang makatakas ang suspek, pati na ang barangay chairman sa naturang lugar na si Marilyn Jocson.

Napag-alaman sa pagsisiyasat ng pulisya na inabutan pa ni Von Moraleja at ng kasama niyang dalawang barangay tanod ang anak sa kanilang tirahan matapos pagsasaksakin ang kanyang kasintahan subalit sa halip na isuko ay hinayaang makatakas ang suspek. Johnny F. Arasga/Amor Virata

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply