Pumatay sa mag-iina sa Catanduanes nalambat na

HINDI na nakapalag sa awtoridad ang itinuturong responsable sa pagmasaker sa mag-iinang Opancia sa Legazpi City, Catanduanes.

Kinumpirma ni S/Supt. Lito Petaliano, Catanduanes police provincial director na matagumpay nilang naaresto ang suspek na kinilalang si Daniel Dizon sa Barangay Luba, San Andres, Catanduanes,  9 ng umaga, Miyerkules, Pebrero 23.

Unang inihayag ng mga testigong nakakita sa krimen na walang awang pinagtataga ni Dizon ang mga biktimang sina Allan Opancia, 10; Sam Opancia, 3; at ang ina na si Ana Opancia, habang sugatan naman si Shiela Opancia na kasalukuyang ginagamot pa sa ospital.

Halos maputol naman ang ulo ng ina ng mga biktima habang tama sa braso ang tinamo ni Shiela.

Napag-alamang naglakad lamang ang suspek papalayo sa pinangyarihan ng masaker sa Barangay Bulalacao, Caramoran bitbit ang kanyang ginamit na itak sa krimen.

Nakakulong na si Dizon habang inihahanda na ng Catanduanes PNP ang kasong multiple at frustrated murder laban sa suspek. Gwenn Salamida

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply