Pusher timbog sa buy-bust operation

KALABOSO ang isang kilabot na tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad matapos makatanggap ng report sa talamak na bentahan nito sa Malabon City.

Ang suspek na nakapiit sa Station Anti-Illegal Drugs- Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Malabon City Police ay si Bernardo Carpio, alyas Tenga, ng Dulong Acero st., Brgy., Tugatog, nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, 5:30 ng hapon nang maaresto ang suspek hindi kalayuan sa kanyang bahay.

Bago ang pagkakadakip ng salarin, nakatanggap ng tawag sa telepono ang tauhan ng SAID  hinggil sa talamak na bentahan ng iligal na droga sa nasabing lugar.

Dahil dito, nagsagawa ng surveillance ang grupo at nang magpositibo ang natanggap na impormasyon ay agad silang nagsagawa ng buy operation laban kay Carpio.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at nang akmang inaabot na ng suspek ang isang sachet ng shabu kapalit ng P200 ay siyang dinampot ng mga pulis.

Nakuha sa suspek ang dalawang sachet ng shabu. Roger Panizal

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply