Puwersa ng NCR ramdam sa SCUAA Olympics

NARAMDAMAN agad ang malakas na puwersa ng top favorite National Capital Region sa 2011 State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA) National Olympics na ginaganap sa Ilagan, Isabela.

Sa unang araw pa lamang ng pagsipa ng isang linggong torneo  ay nanalo agad ang NCR sa men’s volleyball, softball at sepak takraw na idinaos sa Melanio Singson Sports Complex.

Ang 328-strong NCR delegation na taglay ang iba’t ibang atleta mula sa mga state colleges at universities sa Metro Manila ay pinagdudurog ang mga katunggali sa Central Luzon sa men’s volleyball, Western Visayas sa softball, at Bicol sa sepak takraw.

Samantala, sa baseball, dinurog din agad ng NCR ang Southern Tagalog sa isang mainit na sagupaan.

Ayon kay Domingo Tamacay, isa sa mga NCR coaches, ang maayos na training at exposure gayundin ang moral at financial support ang nagiging daan upang ganahan at magpunyagi ang mga manlalaro. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply