QC Hall, nakatanggap ng bomb threat

NAKATANGGAP ang pulisya ng  ulat na may nakatanim na bomba sa parking lot ng Quezon City hall of Justice na nakalagay umano sa yellow car ngunit naiulat na false threat ito, ayon sa dzBB report.

Batay pa sa ulat ng  dzBB, nagdala ang pulisya ng bomb-sniffing dog kung saan huminto ang naturang aso sa BMW, hudyat na may bomba sa loob ng nasabing kotse.
Ngunit, matapos ang isinagawang inspeksyon, wala namangna kitang bomba rito.
Ang QC Hall of Justice ang pinakahuling nakatanggap ng bomb scare matapos ang pagpapasabog ng isang bus sa Makati City noong Enero 25.

Pinapayuhan naman ng Philippine National Police (PNP), na i-report agad  kung may nalalaman sa salarin na nagpapakalat ng maling balita tungkol sa bomb threat.  Maaaring tumawag sa kanilang hotline na may numerong 117 o sa mag-text sa 0917-847-5757.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na rin ang Metro Manila police sa National Telecommunications Commission (NTC) upang makipagtulungan na mahuli ang nagbibigay ng maling impormasyon.

Ayon sa ulat ng  dzBB, sinabi ni  Metro Manila police chief Director Nicanor Bartolome na malaki ang maitutulong ng NTC upang ma-trace kung saan nanggagaling ang mga prank calls na ito.

Matatandaang nabiktima rin ng mga prank calls ang Assumption College sa Makati City; Mapua Institute of Technology sa Manila, at Miriam College, Quezon City. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply