Queenie Padilla nag-piktoryal sa mga kasundaluhan ng AFP!

SA kasagsagan ng bulgaran ng baho at anomalya  sa Armed Forces of the Philippines, nakakulimbat kami ng exclusive pictorials ng dalaga ni Robin Padilla na si Queenie Padilla kasama ang apat na mga singing soldiers na sina CPO Melchor Sorillano, Phil. Navy; PO3 Janet Cadayona, PNP, AWIC; Mylin Estojero, and TSgt. Wilhelmina Celestial, Phil. Army.

Ang pictorial na ito ay may kinalaman sa isang benefit concert ni Queenie Padilla na ang isa sa mga beneficiaries ay ang mga madi-dislocate o mai-eeject na mga batang musmos sa kanilang mga kabahayan sa Damayan St., Old Balara, Quezon City, District 3 dahil sa di makatarungang pagpapatupad ng C-5 Road Widening Project sa naturang lugar.

Ang naturang beneficiary ay represented ng NGO na Unang Hakbang Tungo Sa Bagong Milenyo sa pamumuno nila Hariet Caindoy at Gina  Enero.

Ang mga nabanggit na singing soldiers ay kasama sa kawanggawa na concert na pangungunahan ni Queenie na isasagawa sa San Pedro Astrodome, Laguna nitong buwan ng Marso, 2011. Elson Galido

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply