Rabusa inuulan na ng death threats

MAY mga taong nagbabanta sa buhay ni retired Lt. Col. George Rabusa, na unang nagbunyag hinggil sa “pabaon” system sa mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines.

Ito ang ibinunyag ni Department of Justice Secretary Leila de Lima kahapon matapos na personal na magtungo sa kanyang tanggapan si Rabusa, kasama ang kanyang abogado upang isumite ang ilang dokumento para patunayan ang kanyang mga alegasyon.

Maliban kay Rabusa, pinagbabantaan din umano ang buhay ng abogado nitong si Atty. Noel Malaya at ang kanyang pamilya.

Sa isang press briefing, sinabi ni de Lima na personal na ipinabasa sa kanya ang natanggap na death threat sa cellphone ng abogado na nagbabanta kung mas mahalaga ba umano ang popularidad ng abogado o ang buhay ng kanyang pamilya.

“Medyo mahaba ang text, pero something like, ‘Popularity or pamilya mo?’. Ang ipinabasa sa akin ay ang death threat ng abogado, pero yung kay Rabusa, hindi ko nabasa, pero meron din,” ani de Lima.

Kaugnay nito, pinag-aaralan na rin umano ng DOJ kung maaari ring pagkalooban ng proteksiyon ang abogado ni Rabusa.

Sa ngayon, ang Senado pa ang nagbibigay ng provisionary protection kay Rabusa, ngunit matapos umano ang isasagawang susunod na hearing sa Senado ay maaaring mailipat na ito sa Witness Protection Program ng DOJ.

Tulad ni dating state auditor Heidi Mendoza, provisionary protection muna ang maaaring ibigay agad kay Rabusa, dahil kinakailangan pa umanong i-assess kung mabibigyan ang mga ito ng full coverage ng WPP.

Kabilang umano sa provisionary protection ay security escort kung may official business ang mga ito, ngunit pag-aaralan pa kung bibigyan rin sila ng financial assistance at safehouse.

Hindi pa rin naman naisumite ni Rabusa ang kaniyang affidavit sa DOJ dahil hanggang kagabi pa aniya ito posibleng matapos.

Inaasahan rin umanong marami pang mga rebelasyong ibubunyag si Rabusa sagagawin niyang muling pagharap sa susunod na hearing hinggil sa kaso.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply