Rabusa kakasuhan ni Pichay ng Libelo

SASAMPAHAN ng kasong libelo ni dating Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay, chairman ng Local Waterworks and Utilities Administration, si dating AFP Budget Officer George Rabusa hinggil sa pagdadawit nito sa katiwalian sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nabatid na inihahanda na ni Pichay kasama ang kaniyang legal counsel ang pagsasampa ng kasong libelo laban kay Rabusa.

Handa rin si Pichay na dumalo sa pagdinig ng Kongreso sa nasabing imbestigasyon.

Matatandaang idinawit ni Rabusa si Pichay sa pagsasabing tumatanggap umano ang mambabats ng halagang P.5 milyon sa tuwing miting nito sa AFP. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply