Rabusa may death threat

MAY mga nagbabanta na sa buhay ni retired Lt. Col. George Rabusa, unang nagbunyag hinggil sa “pabaon” system sa mga naging matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang ibinunyag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima, matapos personal na magtungo sa ahensya si Rabusa, kasama ang kanyang abogado, upang isumite ang ilang dokumento para patunayan ang kanyang mga alegasyon.

Maliban kay Rabusa, pinagbabantaan din ang buhay ng abogado nitong si Atty. Noel Malaya at ang kanyang pamilya.

Sa press briefing, sinabi ni de Lima na personal na ipinabasa sa kanya ang natanggap na death threat sa cellphone ng abogado na nagbabanta kung mas mahalaga ba umano ang popularidad ng abogado o ang buhay ng kanyang pamilya.

Kaugnay nito, pinag-aaralan na rin umano ng DOJ kung maaari ring pagkalooban ng proteksiyon ang abogado ni Rabusa.

Sa ngayon, ang Senado pa ang nagbibigay ng provisionary protection kay Rabusa, ngunit matapos umano ang isasagawang hearing bukas ay maaaring mailipat na sa Witness Protection Program (WPP) ng DOJ.

Tulad ni dating state auditor Heidi Mendoza, provisionary protection muna ang maaaring ibigay agad kay Rabusa, dahil kinakailangan pa umanong i-assess kung mabibigyan ang mga ito ng full coverage ng WPP.

Hindi pa rin naman naisumite ni Rabusa ang kanyang affidavit sa DOJ dahil hanggang mamayang gabi pa aniya ito posibleng matapos.

Inaasahan din umanong marami pang mga rebelasyong ibubunyag sa Senado si Rabusa sa gagawin niyang muling pagharap sa susunod na hearing hinggil sa kaso. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply