Rabusa pinadadalo sa DND hearing

PINAKIUSAPAN ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si retired Lt. Col. George Rabusa na dumalo sa pagdinig na gagawin ng Department of National Defense (DND) ukol sa ibinulgar nitong anomalya sa pondo ng AFP.

Tiniyak ni Brig. Gen. Jose Mabanta, tagapagsalita ng AFP na walang dapat ikatakot si Rabusa dahil mayorya aniya ng sundalo ay pabor na lumutang ang katotohanan.

Aniya, kung meron mang higit na apektado sa mga anomalyang nagaganap sa AFP ay ang mga sundalo na biktima ng maling paggamit ng pondo ng sandatahan.

Kasabay nito ay umaasa si Mabanta na hindi babawasan ng Kongreso ang alokasyon sa AFP sa gitna ng mga naglulutangang anomalya sa ilalim ng mga nagdaang namuno sa AFP. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply