Rabusa sasailalim na sa WPP

SASAILALIM na sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ) si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) budget officer Lt. Col. George Rabusa.

Nabatid na magiging limitado lamang ang ibibigay na proteksyon ng DoJ gaya ng pagbibigay ng escort at safe house.

Samantala, pinag-aaralan na rin ng abogado ni Lt. Col. Rabusa na si Atty. Noel Malaya na sumailalim na rin siya sa WPP ng DoJ bunsod ng mga natatanggap niyang death threat  sa kanyang buhay.

Dahil dito, nagpahayag si DoJ Sec. Leila De Lima na i-eendorso niya kay Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Roan Libarios na tulungan si Atty. Malaya. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply