Railways panglaban sa food price hike

NAKIKINITA ni Sen. Edgardo Angara na magkakaroon ng malawakang protesta sa lansangan kapag hindi kaagad kumilos ang administrasyong Aquino upang mabawasan ang halaga ng pagkain na tiyak sisirit dahil sa patuloy na sigalot sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Angara, chairman ng Senate committee on science and technology, maaaring maibsan ng pamahalaan ang paglobo ng presyo ng pagkain sa pamamagitan ng pagtatayo ng mahusay na national railways system sa Luzon at Mindanao.

“In the Philippines, transport has a huge impact on the cost of food, accounting for at least 30 percent of food prices and the subsequent price hikes,” aniya.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ng senador na mababawasan ang presyo ng pagkain kung magkaroon ng episyenteng sistema ng tren na siyang maghahatid sa mga mamamayan at pagkain mula sa malalayong lugar.

“Isang maganda at mahusay na rail system ang makatutulong upang pakilusin ang mamamayan at kargamento mula sa malalayong lugar sa Luzon at Mindanao. Noong nanilbihan ako bilang kalihim ng agrikultura, nakita ko ang masaganang pagkain at produkto sa Mindanao, ngunit nahihirapan silang maibiyahe sa mga mamimili,” giit ni Angara.

Aniya, maaaring itayo ang railways system nang hindi sinisira ang kapaligiran o wawasakin ang landscape ng kabundukan, bagkus maaaring gumamit ang bansa ang makabagong teknolohiya sa pagtatayo ng tren at paggagawa ng tunnel.

“I believe this is possible now because we don’t have to destroy the mountains along the way,” aniya. “We can tunnel through using the new technology in train-building and tunneling,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Angara na kung hindi kaagad kikilos ngayon ang pamahalaang Aquino, mag-aaklas ang mga mamamayan laban sa lomolobong presyo ng pagkain dahil hindi madaragdagan ang sahod ng pangkaraniwang konsyumer.

“Kung hindi tayo gagawa ng isang mabilis na paraan, maaaring sagasaan tayo ng pagtaas ng presyo ng pagkain,” aniAngara.

Dagdap pa niya: “Walang sapat na pondo ang pamahalaan na itaas ang suweldo ng sarili nitong empleyado at maaaring magkaroon ng malawakang protesta sa pribadong sektor kung hindi natin ibaba ang presyo ng pagkain.” Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply