Random drug test ikakasa sa PBA

NANINIWALA ang mga kritiko na hindi lahat ng bawal na droga ay nade-detect sa drug test na isinasagawa ng Games and Amusement Board (GAB) sa mga players ng Philippine Basketball Association (PBA).

Ayon naman sa mga sources, hindi lamang umano ang napatalsik na si Air21 import Jajuan Smith ang bagsak sa test kundi maging ang ilang atleta subalit dahil umiiral ang palakasan ay nakakalusot pa rin.

Binanggit na hindi rin umano ganoon ka-high tech ang gamit ng GAB kaya may mga nakakapaglaro pa ring adik sa PBA.

Umiiral din umano ang ‘under the table’ o aregluhan kapag bumagsak sa test ang isang atleta kung saan kapag malakas o magaling ay inaayos na lamang ng mga coach at may-ari ng koponan, ayon sa mga sources.

Una nang napaulat na bumagsak sa test si Smith kaya sinipa ito ng Air21 at ang target na ngayon ay si Libya National Team player Alpha Bangura.

Samantala, natatawa naman ang mga kritiko dahil tila marijuana lang umano ang kayang i-detect ng mga aparato ng GAB at senyales anila ito na walang kakayahan ang board na hulihin o ibuking ang mga adik na manlalaro.

Dagdag ng mga sources, kung isasagawa umano ang random drug test ay maraming mahuhuli at baka kaunti na lamang ang maglalaro sa liga.

“Nawawala kasi ang traces ng shabu at cocaine sa loob lamang ng limang araw. Iinom lang ng maraming gatas ay papasa na sa drug test,” ayon sa isang source. “Kaya ‘yung iba, kahit adik, ay nakakapasok pa rin at nakakapaglaro. Dapat isagawa ang random drug test para maraming mahuhuli. ” Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply