Rampant na bentahan ng shabu hindi maaksyunan

RAMPANT na bentahan ng shabu ang kalimitang pi-nagmumulan ng barilan ng mga pusher na nagaagawan ng mga kostumer sa Dasmariñas, Cavite.

Grabe na raw ang bentahan ng shabu partikular sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas. Wala raw ginagawa ang mga kinauukulan sa bayang ‘yan kahit talamak na ang bentahan ng “bato” o shabu riyan.

Hindi kumikilos sina Mayor Jenny at Cong. Pidi Barzaga, pati ang kanilang hepe na si Supt. Jerry Umayao kahit rampant at nagkakabarilan na sa kanilang nasasakupan.

Basahin ninyo ang sumbong sa mga text message.

Dear Sir Johnny Magalona.

Dito sa amin sa Dasmari-ñas, Cavite ay rampant na po ang bentahan ng shabu. Kung minsan yung kapwa  mga pusher nagbabarilan dahil lang sa agawan ng mga kostumer partikular na po sa Brgy. Datu Esmael.

Walang ginagawang aksyon sina Mayor Jenny at Cong. Pidi Barzaga, maging ang hepe ng pulisya sa Dasma na si Supt. Jerry Umayao.

Ang alam lang ng mga ito ay pagpapasikip ng kalsada na nagdudulot ng mabigat  na daloy ng trapiko.

Nanghihingi ng ‘timbre’ para sa DILG

Mula naman sa ibat-ibang rehiyon sa bansa, ang masipag na umiikot sa mga pasugalan at iba pang vices ay itong si Maj. Empiso na nagpapakilalang taga-Office of Interior Security ng DILG.

Bilib naman ako sa opisyal na ito, sa halip na siya ang manguna para patigilin ang mga sugalan sa mga rehiyon ay pangongolekta ng ‘lagay’ ang inaatupag.

Ibang klase kung manghingi ng “timbre” sa mga pasugalan itong si Empiso. Abot hanggang langit.

Alam kaya ito ni DILG Sec. Jesse Robredo?

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.- Johnny Magalona

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply