Recruiter ng scholars arestado

DAKIP ang 38-anyos na lalaki makaraang mapatunayan na nagre-recruit at nang-aabuso ng mga scholar na mga babae sa Legazpi City.

Kinilala ang suspek na si Rodulfo Perdiva Malasa, ng Barangay Burabod Libon, Albay na nagre-recruit ng mga high school student kung saan nag-o-offer ng scholarship at isa sa mga requirement ang pagiging birhen.

Ayon sa impormasyon na ipinaabot ni Insp. Art Gomez, hepe ng Libon PNP, aabot sa anim na mga estudyante ang na-recruit kung saan isa umano rito ay kumpirmadong ginalaw na ng suspek.

Base sa salaysay ng mga estudyante, tinatanong sila kung gusto silang iprayoridad sa isang kondisyon na ito’y makikipagtalik sa kanya.

Dagdag pa ni Gomez, iniisa-isang tini-text ng suspek ang mga biktima at pinipili lamang ang magaganda na kanyang bibigyan ng scholarship.

Matipuno at disente umano si Perdiva kaya kapani-paniwala naman para sa mga opisyal ng mga paaralan na tumanggap at nakipag-ugnayan dito.

Ayon pa rin sa Libon PNP, nagkaroon ng relasyon si Perdiva sa isang babae ngunit ito’y hiniwalayan nang nalaman na hindi na birhen ang kanyang kasintahan.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa mga posible pang nabiktima ng suspek.

Patuloy din ang paglilibot ng mga otoridad sa mga paaralan upang bigyan ng babala ukol sa modus operandi ng naturang suspek. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply