Relief goods ipamamahagi sa biktima ng baha sa Jolo

NAGLAAN ng kalahating milyong piso ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council bilang tulong sa  4,000 biktima ng pagbaha noong nakaraang linggo sa munisipalidad ng Jolo.

Ang nasabing pondo ay nakalaang ipambili ng relief goods gaya ng bigas, noodles, sardinas, kumot, kulambo, gamit pangluto at pagkain para sa mga biktima ng baha at landslides sa nasabing bayan.

Ayon kay Mayor Celso Lobregat ngayong Martes ay nakatakdang ipamahagi ang ang relief goods.

Matatandaang isinailalim sa state of calamity ang Jolo nitong linggo sa pagbaha doon. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply