Relokasyon sa nasunugan posibleng sa Rizal, Bulacan

BUKOD sa relief at food assistance sa mga biktima ng sunog sa Barangay Central, Quezon City, pinag-aaralan na rin ng city government ang paglilipat sa kanila sa Montalban, Rizal at San Jose del Monte, Bulacan.

Agad namang inatasan ni Mayor Herbert “Bistek” Bautista ang budget office ng siyudad na magpalabas ng pondo para matulungan ang mga biktima ng sunog sa BIR Road, Brgy. Central, Quezon City na aabot sa 5,000 pamilya.

Aniya, may 1,500 units na bahay sa relocation area ng National Housing Authority (NHA) na ipamamahagi sa may 3,500 pamilya na nasunugan at ililipat sila ng pamahalaang lungsod sa Montalban, Rizal at Bulacan.

Napag-alaman na pansamantalang ililipat ang mga biktima ng sunog sa Barangay Pinyahan at Bernardo Park basketball courts, habang pinoproseso ang kanilang titirahan sa nabanggit na relocation sites.  Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply