Remittance fee pinatatapyasan

NANAWAGAN ang isang kongresista kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na ibaba ang remittance fee na kinakaltas sa mga padala ng overseas Filipino workers (OFWs).

Sa pamamagitan ng isang resolusyong inihain ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, binigyang-diin ng kongresista na masyadong malaki ang kasalukuyang 7.8 porsiyento na remittance fee sa bawat ipinadadala ng mga OFW.

Ipinaliwanag pa ni Evardone na mas malaking salapi o dolyar ang maipadadala ng isang OFW sa kanilang pamilya kung babawasan lamang ng gobyerno ang buwis na kinakaltas dito.

Dapat aniyang mabigyan  ng konsiderasyon ang mga OFW na nitong nagdaang taon ng 2010 ay nakapagpasok ng $18.76 bilyon sa pamamagitan ng ipinadadalang remittances na ang katumbas ay sampung porsiyento ng gross domestic product (GDP) ng bansa.

Binanggit pa ni Evardone na kung hindi sa malaking remittances ng OFWs na siyang nagpatatag sa halaga ng piso kontra dolyar ay hindi sana naisalba ang Pilipinas sa krisis na naranasan ng buong mundo. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply