Rep. Singson pinagbibitiw ng mga kasama sa Kongreso

HINIMOK ng mga kongresista si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson na magbitiw na bilang kongresista matapos ibaba ang hatol ng Wan Chai District Court sa Hongkong.

Walong kongresista ang nanawagan na kay Singson na makabubuting magbitiw na ito upang hindi na mapilitan ang House Ethics Committee na siya ay aksyunan at mairekomendang patalsikin.

“While I am glad that Cong. Singson expressed remorse for his act, his admission of guilt makes his stay in the House untenable. He should resign otherwise the house would be forced to pursue the ethics case versus him,” ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares.

Ganito rin ang naging apela ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone sa pagsasabing “for the sake of Congress as an institution Ronald Singson should resign. Otherwise, Congress will have no other option but to expel him.”

Ipinaliwanag naman ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino na kung hindi kusang magbibitiw si Singson ay walang ibang opsyon ang Ethics Committee kungdi ang irekomendang ito ay patalsikin. “As a 2nd termer I’m sure he understands this. Of course it’s always his option to resign.”

Umapela rin si Akbayan Rep. Walden Bello, chairman ng House committee on overseas workers affairs kay Singson na magbitiw na. “I appeal to Cong. Singson to take the honorable way and resign,” aniya.

“Another point for Cong. Singson to consider is the absence of representation of his district in congress and if he does resign, there is ample time to call for a special election,” ayon naman kay Assistant Minority Leader Mitos Magsaysay.

Nanawagan din sina Gabriela Reps. Emmie de Jesus at Luz Ilagan kay Singson na magbitiw na upang iligtas ang institusyon sa kahihiyan. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply