Repatriation sa 50 OFWs mula sa Egypt tuloy sa Valentine’s Day

NAKATAKDANG bumalik sa bansa ang 50 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Lunes, Pebrero 14.

Ayon kay Deputy Spokesperson Abigagail Valte, magpapatuloy umano ang voluntary repatriation sa mga OFWs na nasa Egypt kahit bumaba na sa puwesto si President Mubarak at humupa na ang kaguluhan.

Nilinaw nito na walang force evacuation ng mga Pinoy na nasa Egypt at ang mga nababalik ng bansa ay pawang boluntaryo o kusang nagpa-repatiate dahil sa kaguluhan doon.

“Hangga’t may gustong umuwi, tuloy umano ang hakbang ng Department of Foreign Affairs (DFA).”

Ayon kay Valte, nitong Biyernes, Pebrero 11, dumating na ang ikatlong batch ng mga Pilipinong nagdesisyong umuwi.

Batay naman sa pinakahuling assessment, nananatiling nasa ligtas na kalagayan ang mga Pinoy doon.

Kasabay nito, umaasa naman ang gobyerno ng Pilipinas na magkakaroon ng payapang transisyon sa Egypt matapos ang pagbaba sa puwesto ni Mubarak.

Ang mga babalik na OFWs ay pansamantalang mananatili sa Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) para sa counselling at bibigyan ng financial assistance para makauwi sa kanilang pamilya sa selebrasyon ng araw ng mga puso.

Ilan sa mga ito ay wala ng trabaho dahil ibinigay na ng mga amo nito ang huling sahod bago tumulak pabalik ng bansa. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply