Rerouting sa Chinese New Year ipatutupad

IPATUTUPAD ng pamunuan ng Manila Police District ang traffic rerouting scheme sa Binondo para  bigyan daan ang tradisyunal na Chinese New Year parade.

Sa ipinalabas na advisory ni Chief Insp. Reynaldo Nava, acting chief ng MPD-Traffic Enforcement Unit, dakong ala-1 ng hapon isasara ang ilang kalsada sa Binondo, Manila.

Batay sa nasabing traffic advisory, magsisimula ang parada sa panulukan ng San Fernando at Madrid Streets at daraan sa Sto. Cristo at Lavezares, gayundin sa Millennium Bridge patungo sa Tabora Street at Millennium Bridge II na pasisinayaan.

Daraan din ang parada sa Comercio St. at sa Juan Luna, Sta. Elena, Lachambre, Dela Reina at R. Regente Sts., kakanan pabalik sa Juan Luna counter flow Quintin Paredes, daraan sa Sabino Padilla (Gandara), Soler at R. Regente Sts., para makarating sa Felipe II St. at sa kanilang patutunguhan.

Sinabi ni MPD Director Chief Supt. Roberto Rongavilla na isasara sa trapiko ang Quintin Paredes St., mula sa panulukan ng  Dasmariñas St., hanggang sa Ongpin Street.

Gayunman, ang kahabaan ng Juan Luna St., mula Dasmariñas St., hanggang sa Plaza Ruiz ay bubuksan sa two-way traffic para sa nabanggit na aktibidad.

Ang mga sasakyan na mula sa Plaza Ruiz o Binondo Church ay pinayuhan na kumaliwa sa Dasmariñas, kumanan sa Juan Luna at kumanan sa Plaza Ruiz.

Inaasahan ang masikip na daloy ng trapiko sa lugar ng Binondo, kaya pinayuhan ang mga motorista na dumaan na lang sa McArthur o Quezon Bridge bilang alternatibong ruta.

Samantala, inatasan ni Manila Mayor Alfredo Lim si Rongavilla na magtalaga ng karagdagang pulis sa Chinatown area para sa naturang selebrasyon. Rene C

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply