Resado namaril, kaso hinahanda na

POSIBLENG masampahan ng kaso si Department of Justice Prosecutor John Resado makaraang mamaril ng isang kotse, kagabi, Pebrero 3, sa Quezon City.

Nabatid sa salaysay na ni Carlos Lim, dadalaw umano siya sa kanyang kasintahan at napagpasyahan iparada ang kanyang kotse sa isang gate kung saan hindi naman nagustuhan ni Resado at agad sinita ng huli.

Kaagad bumunot umano ng baril si Resado at pinaputukan ang kotse ni Lim.

Hinihinalang nakainom si Resado nang maganap ang insidente.

Nalagay sa kontrobersiyal si Resado dahil sa kuwestiyunableng paghawak sa kaso ng Alabang Boys.

Hinahanda na ni Lim ang kasong maaaring isampa kay Resado. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply