Residente sa Mt. Bulusan inalerto ng Phivolcs

PINAALALAHANAN ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga residente na malapit sa Bulkang Bulusan na pansamantalang lumikas sa posibleng pagragasa ng lahar.

Ayon kay Phivolcs Resident Volcanoligist Ed Laguerta, sakaling bumuhos ang malakas na ulan ay posibleng umagos ang lahar dahil na rin sa tone-toneladang abo na naipon sa mga canal nito.

Maliban naman aniya sa lahar ay pinag-aaralan na rin ng Phivolcs ang ilang butas na nakita malapit sa bunganga ng bulkan na maaaring pagmulan at daanan ng lava. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply