Resource persons sa ‘pabaon’ probe ‘di ipapahiya — Enrile

TINIYAK ni Senate President Juan Ponce Enrile na hindi layunin ng Senado na ipahiya ang mga resource person na dumalo sa kanilang imbestigasyon hinggil sa talamak na korapsyon sa Sandatahang Lakas.

Ito ang opening statement ni Enrile kasabay nang pagbabalik ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa Armed Forces of the Philippines  scandal mahigit isang linggo matapos ang pagpapakamatay ni dating AFP cheif Angelo Reyes.

Kasabay  nito, iginiit naman ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na walang katotohanan ang naglalabasang ulat na pinersonal nito si Reyes nang ilutang sa imbestigasyon si dating AFP budget officer George Rabusa at idiin sa AFP scandal.

Dumalo naman sa pagdinig ang tatlong dating AFP chief na sina Diomendio Villanueva, Roy Cimatu, at Efren Abu.

Dumating din ang ilang akusado na sinasabing tumanggap ng payola mula sa AFP tulad ni LWUA chairman Prospero Pichay,  dalawang dating AFP comptroller na sina Carlos Garcia at Jacinto Ligot.

Ngunit hindi dumalo ang misis ni Ligot na si Erlinda sa halip ay nagpadala ng sulat kung saan idinahilan nito sa komite ang kanyang pending na kaso sa korte.

Dumalo pa rin sa pagdinig ang  whistle blowers na sina George Rabusa at dating COA auditor Heidi Mendoza at Col. Antonio Lim, maging sina AFP chief Ricardo David at Defense Sec. Voltaire Gazmin, representante mula sa COA at Ombudsman.  Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply