Retiradong empleyado nagbaril sa ulo

MISTULANG nauuso ang kaso ng suicide sa Marikina City makaraang magbaril sa ulo ang isang problemadong lolo ilang araw matapos magpakamatay sa puntod ng ina si dating Armed Forces chief of staff Angelo Reyes.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marlie Dalusong, 56, retired employee ng Fortune Tobacco at residente ng No. 49 Cristal St., Twinville Subd., Brgy., Parang, ng nasabing lungsod.

Sa ulat, naganap ang pagpapakamatay ng biktima dakong alas-5 ng hapon  sa loob ng banyo ng kanilang bahay gamit ang cal. 38 revolver.

Ayon sa pulisya, isang suicide note ang narekober kung saan nakasaad dito ang katagang “Patawarin nyo ako kung nagawa ko man ang mga bagay na ito, Loise, Ian alagaan n’yo si mama at mga apo ko, pagod na ako-Mar.”

Hinala ng pulisya, may malalim na problema ang biktima at hindi na nakayanan kaya’t minabuti nitong magpakamatay.

Tumanggi ang kaanak na isalang sa autopsy ang bangkay ng biktima. Jhie C

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply