Revenue clerk sinibak ng Ombudsman, 2 pa kinasuhan

DAHIL sa kasong kriminal, sinibak sa serbisyo ng Ombudsman ang isang revenue collection clerk at pinag-utos na kasuhan din ang dalawang iba pang internal revenue officers dahil sa iba’t ibang kaso ng grave misconduct at estafa.

Kinilala ang sinibak na si Menardo Basalan, Revenue Collection Clerk III, ng bayan ng Siay, Zamboanga Sibugay.

Napatunayan ng Ombudsman na si Basalan ay nagkaroon ng cash shortage na umabot sa P213,619.69 batay sa pag-audit ng  Commission on Audit (COA) noong Disyembre  3, 2004.

Inamin naman ni Basalan na kanyang nagastos ang nasabing pondo dahil sa matinding pangangailangan sa pera ng kanyang pamilya.

Samantala, pinagtibay ng tanggapan ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong estafa laban kina Ligaya Manansala, Local Assessment Officer III ng Provincial Assessor’s Office at Estrella Paldeng, Revenue District Officer I ng  Bureau of Internal Revenue, pawang sa San Fernando City, Pampanga. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply