Revilla bagong pangulo ng Lakas-CMD

SI Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang bagong pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrat (Lakas-CMD).

Sa party reorganization at eleksyon ng national officers ng partido kanina, Huwebes, Pebrero 24, nahalal din si House Minority Leader Edcel Lagman bilang bagong national chairman ng partido habang vice-chairmen sina Congressmen Simeon Datumanong, Danilo Suarez at Rolando Andaya.

Nahalal naman bilang Executive-Vice President si Arthur Defensor Sr. habang bagong secretary-general si Congressman Jose Aquino II.

Tiniyak naman ni Revilla na hindi magiging sakit ng ulo ng Aquino administration ang Lakas-CMD dahil tutulong sila sa gobyerno para sa nation building. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply