Reyes, abogado binantaang ikukulong

NAGBANTA si Sen. Miriam Defensor-Santiago na ipakukulong sa Senado sina dating AFP chief of Staff Angelo Reyes at abogado nitong si Atty. Bonifacio Alentajan sa paghahain ng petisyon laban sa inhibition ng ilang senador.

Galit na galit na umalma si Santiago sa petisyon ni Reyes na huwag siyang lumahok sa imbestigasyon kabilang sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Francis Escudero.

Binuweltahan din ni Estrada sina Reyes at Alentajan sa pamamagitan ng pahayag na walang kinalaman ang pulitika sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado bagkus ginagampanan lamang niya ang kanyang tungkulin bilang senador.

Katunayan,  ayon kay Estrada, mismo ang kanyang ama na si dating Pangulong Erap Estrada ang humingi ng pabor kay Senate President Juan Ponce Enrile na suportahan ang kumpirmasyon ni Reyes sa Commission on Appointments (CA) bilang kalihim ng DILG.

Tulad ni Estrada at Santiago, binalewala rin ni Escudero ang panawagan ni Reyes na mag-inhibit sa pagdinig sa halip dumalo pa rin sa imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee.

Sina Estrada, Santiago, Escudero at Sen. Antonio Trillanes IV ay pina-inhibit ni Reyes sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Alentajan bunsod ng umano’y pagiging hindi patas sa pagdinig ng komite. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply