Reyes babasbasan ng Simbahan kung…

POSIBLENG mabigyan ng Catholic burial si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Angelo Reyes sa kabila ng pagpapakamatay nito kung may mga senyales na pinagsisihan niya ang kanyang gagawing pagkitil sa sariling buhay.

Ito ang iginiit ng mga Obispo ng Simbahang Katoliko bilang reaksyon sa pagpapakamatay ni Reyes sa harapan ng puntod ng kanyang ina sa Loyola Memorial Park sa Marikina City, Martes ng umaga.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), noong araw ay hindi binibigyan ng Catholic burial ang isang nagpakamatay, hindi binabasbasan at hindi rin pinagmimisahan dahil ang pagkitil sa sariling buhay ay itinuturing na pinakamabigat na kasalanan ng isang tao.

Gayunman, dahil mas nauunawain na aniya ngayon ng Simbahang Katoliko, lalo na’t pinaniniwalaang ang mga taong nagpapakamatay ay wala sa kanilang sariling pag-iisip, maaari anilang mabigyan ng exemption si Reyes.

Ito ay sinegundahan naman ni Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez, chairman ng Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA) ng CBCP. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply